Sen. Risa Hontiveros, bumubuo ng winning slate para sa #Halalan2028

Sinisikap ni Senate Deputy Majority Leader Risa Hontiveros na magkaisa ang political opposition upang mabuo ang most winnable slate sa darating na 2028 national at local elections.

Hiling niya sa ibang political figure na manatiling bukas para sa anumang posibilidad, at idiniin ang pangangailangan na bumuo ng isang malakas na slate upang manalo sa halalan.

Samantala, si Hontiveros na limitado ang termino hanggang 2028 ay bukas sa posibilidad ng pagtakbo para sa mas mataas na katungkulan.

Dagdag pa rito, kabilang sa kaniyang sinisikap sa susunod na 9 na buwan ay i-consolidate ang kaniyang slate. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *