Sen. Ping Lacson kay Sen. Imee Marcos: Hindi ako bakla!

Lalong umiinit ang hamunan at sagutan nina Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson at Sen. Imee Marcos.

Nagsimula ang kontrobersiya nang tumugon si Lacson sa patutsada ni Marcos, imbis na umano’y sagutin ang isyung ibinabato niya tungkol sa ₱2.5 bilyon na “allocables” ni Marcos sa 2025 national budget.

Ayon kay Lacson, tila pinapasaringan pa raw na siya’y bakla nang hamunin siya nito ng sabunutan.

Nilinaw din ni Lacson na walang masama sa pagiging homosexual at nirerespeto niya ang kanilang choice, pero para sa kaniya, masarap pa rin daw maging “tunay na lalaki.”

Hindi naman nagpahuli si Sen. Imee Marcos.

Sa isang Facebook post, mabilis niyang sinagot ang senador at iginiit na hindi niya ito tinatawag na bakla kahit pa hinamon niya ng sabunutan.

Dagdag pa niya, walang masama sa pagpapaganda o pagpapa-enhance ng sarili at karapatan ito ng kahit sino.

Kung marami ang natutuwa sa patutsadahan, marami rin ang naiinis, dahil imbis na budget at mga anomalya raw ang pinag-uusapan, tila personalan ang bangayan ngayon sa Senado. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *