Sen. Marcos nanawagang suspendihin ang VAT; Pag-aalis ng VAT, kumplikado – Gatchalian

Nanawagan si Sen. Imee Marcos na balikan ang kaniyang panukalang suspendihin ang kaniyang panukalang suspensyon ng value-added tax bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Marcos, kaya niya inihain ang SBN 187 upang mabigyan ng kapangyarihan ang pangulo na pansamantalang pahintuin ang pagpataw ng VAT.

Sa panukala, maaaring ibaba o suspendihin ang 12% VAT sa mga produktong petrolyo upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa mga konsyumer.

Aniya, kung ipatutupad ang suspensyon ng VAT, makababawas ng Php 8.43 kada litro ng diesel at Php 6.79 kada litro ng gasolina,

Sa kabila nito, inihayag naman ni Sen. Win Gatchalian kamakailan na kumplikado ang suspensyon ng VAT at hindi katulad ng Excise Tax.

Dagdag pa ni Gatchalian, mas malaki ang mababawas ng pagsuspinde ng Excise Tax kumpara sa VAT.

Samantala, nilinaw naman ni Marcos na hindi naman lahat ng sektor ay bibigyan ng diskwento, tututok lamang sa mga maliliit na sektor na higit na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis gaya ng mga tsuper at operator, magsasaka, mangingisda, at iba pang maliliit na consumer nito. | via Ghazi Sarip, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *