Wala umanong ideya si Sen. Loren Legarda hinggil sa term-sharing agreement nila ni Senate President Tito Sotto III at posibleng napipintong pag-upo niya bilang Senate president sa bago magtapos ang 20th Congress.
Aniya, hindi siya magkokomento sa mga pahayag ng taong hindi pa niya personal na nakakausap.
Ngiti na lamang ang tugon ni Legarda nang matanong naman kaugnay ng pagiging solid ng majority.
Nauna nang kinumpirma ni Sotto na may mga usapin hinggil sa maaaring term-sharing ngunit tumangging magkomento si Legarda.
Matatandaan ding kinumpirma ni Sotto na plano nilang paupuin si Legarda sa 2028.
Samantala, hinimok na lamang ni Legarda ang mga mamamahayag na sa halip na magpokus sa pulitika ay panatilihin din ang umano’y katulad na passion sa usapin ng kultura at ekonomiya. | via Ghazi Sarip
