Mga criminal cases kaugnay sa mga maanomalyang flood control projects, hindi umano maapektuhan ng pagbawi ng testimonya ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineer Henry Alcantara.
Ayon kay Senator Panfilo Lacson, hindi basta-basta mamamatay ang mga kaso dahil lamang sa pag-atras ng sinumpaang salaysay ni Alcantara dahil marami pang supporting evidence laban sa mga tiwaling opisyal.
Kabilang umano sa mga ito ang mga impormasyon mula sa budget books at maging ang money trail na iniimbetigahan ngayon ng Anti-Money Laundering Council o AMLC.
Ayon pa kay Lacson, ang pagsauli niya ng P181.3 million na pera na parte ng kaniyang kickback ay maliwanag na patunay ng pag-amin sa katiwalian.
Babala ng senador, kung babawiin ni Alcantara ang kaniyang testimonya, maaari siyang kasuhan ng perjury, na may parusa 6 hanggang 12 taong pagkakakulong, multang hanggang P1 milyon, at habambuhay na diskwalipikasyon sa serbisyo publiko.
Muling magpapatuloy sa January 19 ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa flood control scam. | via Ghazi Sarip
