Naninindigan si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson sa testimony ni dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo na siyang nag-deliver ng bilyon-bilyong pisong kickback kaugnay ng P100-billion fund insertions sa 2025 national budget.
Ayon kay Lacson, ang detailed account ni Bernardo na naglipat ng hanggang P52 bilyon sa illicit funds ng dalawang undersecretary ay taliwas ito sa mga pahayag ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.
Umamin umano si Bernardo kay Lacson na siya ang nag-deliver at hindi totoo ang sinasabi ni Co.
Dagdag pa ni Lacson, giniit ni Bernardo na maaaring hindi sangkot si Co sa pag-deliver ng mga kickback dahil hindi niya alam ang breakdown.
