Sen. JV Ejercito, binanatan ang umano’y kotongan sa BIR

Binanatan ni Sen. JV Ejercito ang ilang personnel ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil umano sa panggagamit ng letter of authority (LOA) para mangikil sa mga negosyante.


Ayon kay Ejercito, ipinarating na niya sa Department of Finance ang mga reklamo ng mga lokal na negosyante pero mas nabahala siya nang pati EU ambassadors at mga European at American chambers of commerce ay nagreklamo rin na sila’y nabibiktima.


Giit niya, “weaponized” na ang LOA para sa korapsyon, at kailangan na ng “hard reboot” sa buong pamahalaan.

Binalikan pa niya ang linyang, “Moderate your greed.”


Sabi ng senador, sangkot sa modus ang ilang revenue officers at regional directors.

Target ng BIR na kumulekta ng ₱6–8 bilyon mula sa LOA, pero ₱2–3 bilyon lang ang nakuha at 30% lang umano ang napunta sa kaban ng bayan; ang natitira ay nalustay dahil sa korapsyon.


Ani Ejercito, maging sina Sen. Loren Legarda at Sen. Migz Zubiri ay nakatatanggap din ng kaparehong reklamo.

Samantala, hiniling naman ni Sen. Erwin Tulfo sa Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang isyu. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *