Inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 52 ang precautionary hold departure order para sa kasong plunder at iba pa laban kina Sen. Jinggoy Estrada at mga Co-respondents nito.
Kabilang sa mga sakop ng naturang precautionary HDO sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, at iba pang dating DPWH officials na sina Roberto Bernardo, Gerard Opulencia, at Henry Alcantara.
Batay sa ulat, inatasan ni Presiding Judge Juan Rañola, Jr. ang Bureau of Immigration na pigilan ang paglabas sa bansa ng mga nabanggit na respondents at isama sa hold departure list, ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesperson Atty. Polo Martinez.
Dagdag pa nito, may probable cause ang posibleng pag-alis sa bansa ng mga ito at umiwas sa prosekusyon at pag-aresto, base sa mga testigo at mga dokumento.
Nilinaw naman niyang nakabinbin pa ang preliminary investigation ng mga sangkot sa kasong plunder, graft, direct bribery at corruption of public officers. | via Ghazi Sarip, D8TV News
