Sen. Imee, nag-leave group sa GC ng 20th Congress Senators

Nag-leave group si Senator Imee Marcos sa group chat ng 20th Congress Senators.

Ayon kay Marcos, nalilito siya matapos makarinig ng ulat na ititigil na ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee at maglalabas na lamang ng partial report. Kaya’t tinanong niya kung nagkaroon nga ba ng pagpupulong ang majority bloc.

Dito na sumagot si Senate President Pro Tempore Ping Lacson. Aniya, mas mabuting dumalo si Marcos sa mga hearing tungkol sa maanomalyang flood control projects at makinig sa plenaryo, kaysa maguluhan sa tsismis.

Pero giit ni Marcos, sa halip na trabaho ang laman ng chat at sesyon, mas nauuwi lang ito sa siraan at panggipit na mas malala pa raw sa lindol.

Dahil dito, nagdesisyon si Marcos na umalis sa group chat at pahaging pa niya tigilan na ang pagmamagaling at pang-aaway. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via Imee Marcos/FB Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *