Sen. Imee, itinangging nanguna sa tangkang Senate coup

Pinabulaanan ni Senator Imee Marcos ang paratang na siya ang pasimuno sa tangkang kudeta sa Senado, kasunod ng mga pahayag ni Senate President Tito Sotto.

Ayon kay Marcos, hindi siya ang nag-udyok na mapalitan ang liderato sa Senado at mismong mga kasamahan niya sa minority ang makapagpapatunay na huli na niyang nalaman ang tungkol sa usapin.

Matatandaang hindi nagtagumpay ang umano’y tangkang coup sa Senado matapos hindi makuha ang sapat na boto para mapalitan si Sotto.

Itinanggi rin ni Marcos pagkakatanggal sa kanya noon bilang chairman ng Senate Foreign Relations Committee ang nag-tulak sa kanya na pangunahan ang coup attempt.

Samantala, ibinunyag din ni Sotto na isang senador mula sa minority ang nakikipag-usap umano para kumbinsihing sumali sa coup ang mga miyembro ng mayorya. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *