Sen. Estrada, magsasampa ng kaso vs dating DPWH Asst. DE Hernandez

Sasampahan ng kaso ni Senator Jinggoy Estrada si dating Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez sa mga alegasyon nito sa isa umano siya sa nakatatanggap ng kickback mula sa proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa press conference, itinanggi ni Estrada na may kinalaman umano siya sa anumang maanomalyang flood control projects.

Ayon pa sa senador, nagalit at napamura siya nang mapanood ang rebelasyon ni Hernandez dahil hindi naman niya personal na kilala ito.

Common sense na lang umano na hindi siya aktibong makikisali sa anumang imbestigasyon kung may kinalaman siya rito.

“Malakas ang loob ko dahil I never, I did not, commit any illegal act,” ani Estrada.

Kasunod nito, itinanggi rin ni Estrada na may koneksyon siya kay Bulacan DE Henry Alcantara matapos ilabas ni Hernandez ang mga litratong magkasama sila.

“Sa dami ng nagpapa-picture sa akin di ko naman pwedeng tanggihan. E kung drug lord ‘yan, gambling lord, malay ko naman. kung drug lord ‘yan o gambling lord di ko naman matatanggihan kung sinong nagpapa-picture sa akin,” sabi pa nito. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo Courtesy to Senate PH

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *