Sen. Escudero, nahaharap sa ethics complaint

Naghain ng ethics complaint ang isang abogado laban kay Sen. Francis Escudero dahil sa campaign donation ng isang contractor ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nakatanggap umano si Escudero ng P30-milyong donasyon noong 2022 senatorial campaign mula kay Lawrence Lubiano, may-ari ng Centerways Construction and Development Inc.

Isa ang Centerways Construction sa inilabas ng Malacañang na top 15 contractors ng pamahalaan na nakakuha ng proyekto mula sa DPWH.

Samantala, agad naman naglabas ng pahayag si Escudero kaugnay sa reklamo laban sa kanya.

Ayon kay Escudero, hindi na niya ito ikinagulat dahil kapalit ito ng pagbanggit niya sa pangalan ni dating House Speaker Martin Romualdez na umano’y utak sa flood control projects scam.

Dagdag pa ng senador, isa lamang itong political retribution at gawa-gawa lamang ng mga umano’y tauhan ni Romualdez.

Inihayag naman ni Escudero na kanyang ilalantad ang pamumulitikang ginagawa laban sa kanya dahil parte lamang ito ng “script” para linlalingin ang publiko at matakpan ang tunay na isyu. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via Chiz Escudero/FB Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *