Sen. Escudero, Binay at Revilla, sabit sa flood control project scam

Present sa pagdinig ng Senado si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Roberto Bernardo ngayong Huwebes, September 24.

Sa kanyang salaysay, unang humingi ng tawad si Bernardo sa taumbayan at inamin ang pagkakamaling nagawa kung saan nagamit umano siya ng ilang matataas na opisyal sa katiwalian sa mga proyekto sa kanilang ahensya.

May mga bagong pangalan ng mambabatas ang lumitaw sa isyu tulad nina Sen. Chiz Escudero, dating senador at ngayo’y Makati City Mayor Nancy Binay.

Nakatanggap umano ang mga ito ng kickback mula sa mga proyekto ng DPWH.

Aniya, mula sa P800-milyon, 20% na commitment o tinatayang P160-milyon ang ibinigay nito kay Meynard Ngu na para umano kay Escudero.

Bukod kay Escudero, 25% commitment o aabot sa P125 million ang dineliver sa bahay ni Sen. Bong Revilla sa Cavite habang 15% commitment o P37 million naman ang dinala sa bahay ni Binay sa Quezon City.

Dagdag pa ni Bernardo, dawit din sa anomalya si dating DepEd Usec. Trygve Olaivar na nagtrabaho sa opisina ni Sen. Bong Revilla at Sen. Sonny Angara.

Sinabi umano ni Olaivar na ang unprogrammed appropriations ay para sa Office of the Executive Secretary.

15% commitment sa P2.85 billion pondo mula sa mga proyektong isinumite ni dating DPWH District Engineer Henry Alcantara ang hinihingi nito kay Bernardo.

Si Bernardo ay dinala sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) para isalilalim sa evaluation ang kanyang salaysay. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *