Naghain ng panukala si Senator Erwin Tulfo na layong alisin ang travel tax na humahadlang sa karapatan ng publiko na mag-travel.
Sa inihaing Senate Bill 1409, isinusulong ni Tulfo na ang pag-alis sa travel tax na umaabot mula ₱1,620 hanggang ₱2,700 para sa economy at first-class tickets.
May mas mura rin daw pero sakit pa rin sa bulsa ₱810 hanggang ₱1,350 para sa Standard Reduced at ₱300 hanggang ₱400 para sa OFW dependents.
Sabi pa ng senador, halos 14 taon na mula nang lagdaan ng Pilipinas ang ASEAN Tourism Agreement, pero hanggang ngayon, pinapasan pa rin ng mga Pilipino ang travel tax.
Hindi umano ito patas, makatarungan, at lalong pabigat sa pangkaraniwang mamamayan.
Dagdag pa niya, kung nais talaga ng gobyerno na sumabay sa ibang bansa sa Southeast Asia sa turismo, marapat itong alisin.
Ito umano ang konkreto at patas na solusyon para gawing abot-kaya ang paglalakbay sa bawat Pilipino. | via Ghazi Sarip
