Nagkasundo sa pagpupulong ang Senate Majority bloc na italaga si Senator Erwin Tulfo bilang acting chairman ng Blue Ribbon Committee kapalit ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, tumanggi ang mga naunang senador na pinangalanang papalit kay Lacson na pamunuan ang komite.
Ito ay sina Senators JV Ejercito, Raffy Tulfo, Pia Cayetano, Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros na pamunuan ang komite.
Bukod dito, si Tulfo kasi ang vice chairperson ng komite kaya’t awtomatikong siya ang hahalili sa iniwang posisyon ni Lacson.
Inanunsyo ni Sotto na tinanggap naman ito ng senador at kanila itong pag-uusapan pagbalik nito ng bansa.
Tiniyak naman ng liderato ng Senado na magpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng komite sa maanomalyang flood control projects. | via Alegria Galimba
