Sec. Dizon bukas sa pagbawas ng budget ng DPWH

Bukas si Public Works Secretary Vince Dizon na bawasan ang proposed ₱881.3 bilyong budget ng DPWH para 2026, lalo na sa mga flood control at proyektong matagal nang iniuugnay sa korapsyon.

Sa budget hearing, humingi siya ng isang linggo para linisin ang mga “red flags” matapos utusan ni Pangulong Marcos Jr. na magsagawa ng malawakang review kasama si Budget Sec. Amenah Pangandaman.

Malaki ang nakalaan sa flood control projects (₱268 bilyon, 1/3 ng budget), pero aminado si Dizon na marami dito’y hindi kailangan. Kaya’t plano niyang ituon lang ang pondo sa mga lugar na “red zones” base sa UP Project NOAH flood hazard map.

Bukas din siyang alisin ang pondo para sa mga proyektong madalas puntirya ng kickbacks gaya ng rock-netting, asphalt overlays, at solar studs, pati ang “coded” contract splitting ng DPWH.

Si Dizon ay pumalit kay Manuel Bonoan na nagbitiw para bigyang-daan ang imbestigasyon sa anomalya sa flood control. Aminado siyang hindi pa tapos ang review, pero nangakong lilinisin ang budget. | via Allan Ortega | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *