Simula na ang 2025 Southeast Asian (SEA) Games sa Rajamangala National Stadium sa Bangkok, Thailand.
Ipinarada ng Team Philippines ang 200 atleta at opisyal para sa opening rites kung saan makikita ang tennis sensation na sina Alex Eala at Alas Pilipinas volleyball standout na si Bryan Bagunas na maghahati sa tungkulin bilang flag bearers.
Ayon kay, Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino, ayos na kung makakuha ang Pilipinas ng 60 golds.
Bagama’t aminado si Tolentino na mahirap maabot ang No. 1 sa overall medal stan-dings lalo pa’t desidido rin ang Thailand na makuha ang overall championship crown, umaasa naman siyang malalagpasan ng Pinoy athletes ang 58 gintong medal¬yang nakuha nito noong 2023 ng SEAG sa Phnom Penh, Cambodia.
