Pinangunahan ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando ang ocular inspection sa mga trial court ng Cebu City at sa Court of Appeals, Visayas Station kaugnay ng naganap na lindol sa lugar kamakailan.
Layunin nito na matukoy ang lawak ng pinsala at mga hamong kinahaharap ng mga judge matapos ang malakas na pagyanig sa lalawigan.
Sa ginanap na pag-uusap, inilapit ng mga judge ang kanilang mga suliranin sa operasyon ng korte, higit lalo ang mga epekto ng lindol sa pasilidad at sa pagdaraos ng mga pagdinig.
Tiniyak naman ni Justice Hernando na pinabibilisan na ang konstruksyon ng bagong Hall of Justice sa Cebu City
Kasunod nito, nagsagawa rin ng hiwalay na inspeksyon si Court Administrator Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta kasama ang mga opisyal ng Office of the Court Administrator, bilang pagpapatuloy ng pagtutok ng Korte Suprema sa pagpapatatag ng mga hukuman sa Visayas. | via Ghazi Sarip
