Bahagyang inalis ng Korte Suprema (SC) ang temporary restraining order (TRO) na ipinatigil noong 2022 laban sa No-Contact Apprehension Policy (NCAP) ng MMDA.
Ayon kay SC spokesperson Camille Ting, pinayagan ng Korte ang hiling ng Office of the Solicitor General na bumalik ang NCAP, pero limitado lang sa mga major thoroughfares gaya ng EDSA at C-5. Hindi pa rin sakop ang mga lokal na ordinansa ng LGUs.
Matatandaang pinatigil ang NCAP matapos kwestyunin ng ilang transport groups ang legalidad nito.
Sa datos ng MMDA, mahigit 833,000 traffic violations ang naitala mula nang ipatigil ang NCAP. Noong Marso lang, umabot sa 12,566 violations – mas mataas sa dating buwanang average na 9,500.
Dahil inaasahang sisimulan na ang EDSA rehabilitation sa kalagitnaan ng Mayo 2025, nanawagan ang MMDA na kailangan nang ibalik ang NCAP para kontrolin ang trapik at disiplina sa kalsada.
“Hindi sapat ang MMDA enforcers sa dami ng sasakyan, NCAP ang sagot!” – MMDA | via Lorencris Siarez | Photo via PNA/Joan Bondoc
#D8TVNews #D8TV