Pinagtibay ng Korte Suprema ang nauna nitong desisyon na unconstitutional ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Supreme Court spokesperson Atty. Camille Ting, unanimous ang desisyon ng Supreme Court en banc na tuluyang ibasura ang mosyon ng Kamara na bawiin ang desisyon.
Nilinaw niya na barred ang one-year rule sa Saligang Batas, na nagsasabing hindi maaaring magsampa ng panibagong impeachment complaint sa loob ng isang taon.
Matatandaang tatlong reklamo ang inihain laban kay Duterte noong December 2024, kaugnay ng umano’y maling paggamit ng confidential funds.
Sinundan ito ng ikaapat na reklamo na inendorso ng mahigit 1/3rd ng mga kongresista at agad na ipinadala sa Senado.
Giit ng Kamara, hindi pa umano epektibo ang one-year ban dahil na-archive lang ang naunang reklamo matapos maipasa ang ikaapat.
Pero ayon nga sa Korte Suprema, saklaw na ng one-year bar rule ang fourth impeachment complaint.
