Ibinahagi ng SB19 kung gaano sila ka-hands-on sa paggawa ng Pagtatag! The Documentary, na ngayo’y mapapanood sa Netflix. Sa isang panayam sa Variety magazine, ikinuwento nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin ang kanilang pitong taong paglalakbay bilang grupo.
Tampok sa dokumentaryo ang kanilang mga pagsubok bilang performers mula sa pressure ng industriya, mental health struggles, hanggang sa personal na hamon. Para sa kanila, mahalagang maging totoo at bukas tungkol dito para mabasag ang stigma.
Ani Stell, nakakabagbag-damdamin marinig kung paano nakatulong ang kanilang musika sa mga taong dumaraan sa lungkot at paghihirap. Sabi naman ni Josh, hindi lang SB19 ang laban nila layunin din nilang itulak ang buong P-Pop para makilala sa buong mundo.
Para sa mga unang makakapanood ng dokyu, umaasa ang grupo na magsilbing inspirasyon ito para mangarap, maniwala sa sarili, at magpatuloy sa laban anuman ang hamon. | via Allan Ortega | Photo via SB19/Page
#D8TVNews #D8TV
