Sarangani niyanig ng magnitude 5.8 na lindol

Niyanig ang baybayin ng Sarangani nitong Miyerkules ng madaling araw matapos ang isang magnitude 5.8 na lindol, ayon sa PHIVOLCS. Bandang 5:42 AM nang mangyari ang pagyanig na may lalim na 10 kilometro, at ang epicenter ay nasa kanlurang bahagi ng Maitum, Sarangani. Posibleng masira ang ilang ari-arian at may mga aftershocks pang inaasahan!

Narito ang mga lugar na nakaramdam ng pagyanig:
• Intensity IV: Kiamba (Sarangani), T’Boli, Banga, Surallah, Tupi (South Cotabato), Kalamansig (Sultan Kudarat)
• Intensity III: Maitum, Glan, Alabel (Sarangani), Gensan, Koronadal, Lake Sebu, atbp.
• Intensity II-I: Maasim (Sarangani), Kidapawan, Davao City, Matanao (Davao del Sur), at iba pa.

Mag-ingat, i-check ang mga bahay at gusali, at huwag maging kampante. Huwag din kalimutang maghanda laban sa posibleng mas malakas pang lindol! | via Allan Ortega | Photo via DOST PAGASA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *