Sarah Discaya, umalis ng NBI para pumunta sa hearing

Umalis ng National Bureau of Investigation (NBI) headquarters ang kontrobersyal na contractor na si Sarah Discaya nitong Martes, December 16.

Humiling ng temporary release si Discaya para dumalo sa isang hearing sa Malabon.

Haharap siya sa Office of the City Prosecutor kaugnay ng kasong isinampa laban sa kanya ng pamahalaang lungsod ng Malabon, ayon kay Justice spokesperson Atty. Polo Martinez.

Sinabi naman ni NBI Acting Director Angelito Magno na pwede pa ring lumabas si Discaya habang nasa kanilang kustodiya dahil wala pang warrant of arrest laban sa kanya mula sa korte.

Hindi umano siya pwedeng ikulong nang walang warrant, kaya pwede siyang lumabas kahit kailan.

Matatandaang kusang sumuko si Discaya sa NBI bago ma-issue ang posibleng arrest warrant noong nakaraang linggo,.

Bukod sa kagustuhan niya umanong patunayan na wala siyang nagawang pagkakasala, nais din daw niyang mabigyan ng proteksiyon dahil sa mga banta sa kanilang buhay. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *