Sarah Discaya, inaresto kaugnay ng ₱96.5-M kaso sa Davao Occidental

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong gabi ng Disyembre 18 ang tinaguriang super contractor na si Sarah Discaya kaugnay ng umano’y ₱96.5-milyong “ghost” flood control project sa Davao Occidental.

Siya ay nasa kustodiya na ng NBI at dumaan sa karaniwang proseso ng pag-aresto, kabilang ang pagbasa ng Miranda rights at physical examination.


Kinumpirma mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang video address na naisilbi na ang warrant of arrest laban kay Discaya.

Ayon sa Pangulo, sakop din ng warrant ang siyam pang indibidwal na nahaharap sa mga kasong graft at malversation na non-bailable.


Dagdag pa ni Marcos, walong opisyal ng DPWH ang nagpahayag ng intensyong sumuko kaugnay ng kaso. Wala pa ring inilalabas na detalye ang mga awtoridad tungkol sa pagkakakilanlan ng iba pang akusado at kung kailan eksaktong susuko ang mga opisyal.


Nauna nang sinabi ng Pangulo na may mga aarestuhin bago mag-Pasko bilang bahagi ng kampanya ng administrasyon laban sa malawakang korupsiyon sa mga peke at substandard na proyekto ng imprastraktura. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *