Sara Duterte: nakahanda na kung sa ICC magpapasko si dating Pangulong Duterte ngayong taon

Sinabi ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules na inaasahan na ng kanilang pamilya na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay mananatiling nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) ngayong Pasko.


Sa isang panayam sa Zamboanga City, ibinunyag ni Sara na nakahanda na sila sa posibilidad na ipagdiwang ng kanyang ama ang Pasko habang nakakulong sa The Hague, Netherlands. “Oo, inaasahan na namin ’yan,” aniya, bagama’t aminado siyang hindi pa nila ito napag-uusapan nang personal.


Ayon kay Sara, araw-araw namang nakakausap ng dating pangulo ang kanyang abogado, kaya’t tiyak na alam na nito ang mga nangyayari. “Ako naman, inihahanda ko na lang ang iskedyul ng pagdalaw ng pamilya,” dagdag niya.


Matatandaang pitong buwan na mula nang ilagay sa kustodiya ng ICC si Duterte dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong kampanya kontra droga o Oplan Tokhang na kumitil ng humigit-kumulang 6,000 katao ayon sa datos ng gobyerno, habang tinatayang nasa 30,000 naman ang bilang ayon sa mga human rights groups. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *