Suplay ng bigas sa pinas, siniguro ng DA

Suplay ng bigas sa bansa tiniyak ng Department of Agriculture (DA) sa kabila ng pananalasa ng Bagyong Tino.

Nanalasa nitong Lunes ang Bagyong Tino sa gitnang bahagi ng Pilipinas na may dalang malalakas na hangin at malakas na ulan, dahilan para lumikas ang libo-libong mamamayan.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., halos 80% na ng palay ang naani at sapat pa ang suplay ng bigas sa bansa.

Aniya, puno ang mga warehouse ng National Food Authority (NFA) at walang problema sa food at rice security.

Dagdag pa niya, may 90-araw na stockpile ng bigas ang pilipinas, at posibleng magsimula ang importasyon sa January 2026 dahil inaasahang mauubos ang imported stocks pagsapit ng November 15.

Sinabi ni Laurel na, naghahanda na sila para sa susunod na anihan mula february hanggang may para matiyak na makakamit ng mga magsasaka ang makatarungang presyo sa kanilang ani. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *