Matapos ang malupit na pag-atake ng Russia sa Kyiv, Ukraine tatlong buhay ang nasawi, kabilang ang isang sanggol, at mahigit labingwalo ang sugatan.


Ayon kay Mayor Vitali Klitschko, nagsimula ang atake sa pamamagitan ng drones bago sinundan ng missile strikes. Naging abo ang ilang gusali, kabilang ang isang government building sa sentro ng lungsod.



Kabilang sa namatay ang isang sanggol at batang babae sa drone attack, habang isang matandang babae ang hindi na nakaligtas sa loob mismo ng bomb shelter. Sa Darnytskyi district, nasunog ang ilang palapag ng isang apartment building, at sa Sviatoshynskyi, gumuho ang bahagi ng siyam na palapag na gusali.
Ayon kay Kyiv military head Timur Tkachenko, malinaw na mga sibilyan ang tinatarget ng Moscow ngunit itinanggi naman ito ng Russia.


Sa kabila ng patuloy na bangayan ng dalawang bansa, ang katotohanang libo-libong inosente na ang nasawi mula pa nang magsimula ang digmaang ito noong 2022. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo Courtesy to Yevhenii Zavhorodnii, Serhii Korovainyi and Gleb Garanich/Reuters
#D8TVNews #D8TV