Sandro Marcos, nag-file ng house bill 3661

Kaugnay ng imbestigasyon sa flood control anomalies, inihain ni House Majority Leader Sandro Marcos, anak ng Pangulo, ang House Bill 3661. Layunin umano nitong ipagbawal ang mga kaanak ng mga opisyal hanggang ika-apat na civil degree; mula pinsan, bayaw, hanggang pamangkin na makakuha ng government contracts.

Sa tala ng Philippine Center for Investigative Journalism, ilang mambabatas ang umano’y may koneksiyon sa malalaking construction firms na panalo sa bilyong pisong kontrata. Kabilang dito ang mga pangalan mula sa Kamara, Senado, at maging sa Commission on Audit.

Kasabay nito, inilunsad ni Pangulong Marcos ang Independent Commission for Infrastructure na pamumunuan ng dating Associate Justice Andres Reyes Jr., para imbestigahan ang mga anomalya at tiyaking patas ang bidding.

Ani Sandro Marcos, Para sa taumbayan ang pondo ng pamahalaan, hindi umano para sa kamag-anak ng mga opisyal. | via Ghazi Sarip, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *