Pormal nang itinalaga si Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos bilang Majority Leader ng House of Representatives sa pagbubukas ng unang regular na sesyon ng Ika-20 Kongreso.
Ipinahayag ito ni acting floor leader Iloilo Rep. Lorenz Defensor, at agad namang inaprubahan ni Speaker Martin Romualdez pinsan ni Sandro nang walang tumutol. Pinalitan ni Sandro si former Zamboanga Rep. Mannix Dalipe na hindi na makatakbo muli.
Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez ang bagong Senior Deputy Speaker, kahalili ni ex-Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., na isa rin sa mga term-limited.
Bagong Deputy Speaker sina Janette Garin (Iloilo), Yasser Balindong (Lanao del Sur), Paolo Ortega V (La Union), Jefferson Khonghun (Zambales), Kristine Singson Meehan (Ilocos Sur), Ronaldo Puno (Antipolo), Faustino Dy III (Isabela), Ferjenel Biron (Iloilo) at Raymond Mendoza (TUCP party-list).
Bago ang halalan para sa majority posts, muling nahalal si Speaker Romualdez sa botong 269. Siya’y nominee ni Suarez at seconded nina Sandro Marcos, Mark Enverga, Ronaldo Puno, Yevgeny Emano, at Raymond Mendoza.
Pero di pabor lahat lumaki ang bilang ng minority bloc matapos lumipat ang pitong mambabatas kabilang sina Paolo Duterte, Isidro Ungab, Albee Benitez, at Harold James Duterte. | via Allan Ortega | Photo Screengrab from RTVM
#D8TVNews #D8TV