“Sama-samang Pag-unlad, Abot-Kamay!” – PBBM

“Walang maiiwan, walang mapag-iiwanan!” Yan ang madiing pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa proclamation rally ng Team Marcos sa Laoag City. Hinihikayat niya ang mga lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa pambansang gobyerno para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng bansa.
Ayon kay PBBM, “Mas mabilis ang progreso kung magtutulungan tayo! Hindi ito laban ng iisang grupo—ito’y laban ng buong sambayanan!” Binigyang-diin niya na ang kooperasyon ng LGUs at ng pambansang pamahalaan ay mahalaga para matugunan ang pangangailangan ng taumbayan at maisulong ang mga makabuluhang proyekto.
“Kailangan natin ng aksyon, hindi lang plano. Oras na para kumilos!” dagdag pa ng Pangulo. Kaya naman, panawagan ni PBBM: “Magtulungan tayo para sa isang mas matatag at mas maunlad na Pilipinas!” | via Dann Miranda | Photo via PIA Ilocos Norte Facebook Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *