Nakaalis na ng US si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co matapos magpagamot doon. Dumating siya sa New York noong Agosto 26 at umalis noong Setyembre 13, pero hindi tinukoy kung saan siya nagtungo.
Kasabay nito, idinadawit siya ng contractor-couple na sina Curlee at Sarah Discaya sa umano’y kickbacks mula sa flood control projects na mariing itinanggi ni Co bilang “baseless, irresponsible, at politically motivated.”
Samantala, binalaan ni House Speaker Bojie Dy III na kung hindi babalik si Co sa Batasan sa loob ng 10 araw mula Setyembre 18, pag-uusapan ng House leadership at Ethics Committee ang mga susunod na hakbang para tiyakin ang kanyang pagbabalik. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV
