Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit (BI-FSU) ang 21-anyos na Russian vlogger na nag-viral sa social media matapos magbanta na magkakalat ng HIV sa Pilipinas.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, naaresto ang kinilalang Russian national na si Nikita Chekhov sa isang condominium sa Quezon City.
Dumating ang dayuhan sa bansa noong January 15.
Tila pang-“rage bait” lang umano ang video ngunit nagdulot ito na alarma at takot sa publiko.
Kung matatandaan, nitong January 17 ay ipina-deport ang kapwa-Russian vlogger nito na si Vitaly Zdorovetskiy nang mang-harass umano ito ng mga Pilipino para sa kanyang vlog.
Bukod dito, inaresto rin ang Estonian YouTuber na si Siim Roosipuu at idineklarang persona non grata sa Dumaguete City dahil sa pagpo-post ng umano’y disrespectful content sangkot ang mga menor de edad.
Sa ngayon, nasa detention facility ng Immigration si Chekhov habang hinihintay ang kanyang detention proceedings.
Nakipag-ugnayan naman ang BI sa Department of Health para tingnan ang kaso ng dayuhan. | via Alegria Galimba
