Suportado ng North Korea ang Russia, kaugnay ng digmaan sa naglalagablab na tensyon sa Russia-Ukraine conflict.
Patunay rito ang nakatakdang pagpapadala ng North Korea ng libu-libong sundalo upang suportahan ang kampanya ng Kremlin.
Ayon sa ulat ng Ukrainian intelligence, inaasahang darating sa susunod na buwan ang tinatayang 30,000 sundalo mula North Korea. Ito ay dagdag sa 11,000 na mga sundalong naipinadala ng Pyongyang noong Nobyembre nakaraang taon na kabilang sa pananakop ng Kursk region sa Ukraine.
Bagama’t tuloy-tuloy pa rin ang pagpapadala ng pwersa mula North Korea, sa nakalipas na operasyon noong Nobyembre, tinatayang 4,000 sundalo mula North Korea ang nasawi.
Bunsod nito, mariing pinapanawagan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa mga kaalyado nitong bansa gaya ng United States at European Union na dagdagan pa ang kanilang tulong sa militar ng Ukraine upang mahinto na ang ‘di umano natatapos na pagdagsa ng suporta sa Russia mula sa ibang bansa.
Sa paglipas ng panahon ng higit pang umiinit na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine na ngayo’y mistulang pelikula sa sinehan na pinanood ng buong mundo. Isa itong patunay na ang kawalan ng kapayapaan sa iisa lamang na lugar, ay dahilan din ng itinuturing na maingay na mundo. | via Ghazi Sarip
#D8TVNews #D8TV