Iginiit ng Department of Justice (DOJ) na hindi dapat makabiyahe si dating Presidential Spokesperson Harry Roque nang walang valid passport.
Batay kasi sa Facebook post si Roque, patungo siya ng Vienna, Austria ngayong Martes, November 25.
Ito ay matapos niyang pabulaanan ang mga kumakalat na ulat na naaresto siya ng mga awtoridad sa The Netherlands.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, maaaring ma-detain si Roque ng immigration ng anumang bansa kung wala siyang wastong travel documents.
Samantala, sinabi naman ng DOJ na nananatiling ‘unverified’ ang mga ulat dahil wala pa silang natatanggap na opisyal na kumpirmasyon sa umano’y pag-aresto o pagbiyahe ni Roque.
Matatandaang una nang ipinag-utos ng Pasig City Court ang pagkansela sa pasaporte ni Roque na nahaharap sa kaso ng human trafficking. | via Alegria Galimba
