Naglabas ng pahayag si dating House Speaker Martin Romualdez matapos akusahang tumatanggap umano ng kickbacks mula sa flood control projects.
Ayon kay Romualdez, pawang gawa-gawa lamang ang testimonya ng testigo ni Sen. Rodante Marcoleta na si Orly Regala Guteza, at pilit lamang siyang iniuugnay sa umano’y kickbacks na wala umanong katotohanan.
Aniya, imposible raw ang salaysay ng testigo tungkol sa mga umano’y maletang may lamang pera na dinadala sa McKinley, Taguig mula pa noong December 2024, dahil bakante at under renovation ang naturang property simula January 2024.
Dagdag pa niya, hindi siya nakinabang sa anumang infrastructure project.
Nagbitiw umano si Romualdez bilang House Speaker upang ipakita ang kanyang suporta sa imbestigasyon sa flood control issue.
Iginiit din niya na kailanman ay hindi siya nagnakaw mula sa pondo ng bayan. | via Andrea Matias, D8TV News | Photo via Martin Romualdez/Facebook
#D8TVNews #D8TV
