Romualdez: Dagdag bayad sa overtime ng mga guro, sakto at makatarungan

Ikinatuwa ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang bagong DepEd guidelines na nagbibigay ng overtime pay sa mga guro ng pampublikong paaralan. Aniya, tamang hakbang ito para bigyang hustisya ang sakripisyo ng mga tinaguriang ikalawang magulang ng mga kabataan.

Batay sa DepEd Order No. 26 (2025), makakakuha ang mga guro ng 125% ng orasang sahod para sa overtime sa karaniwang araw, at 150% naman kapag trabaho tuwing Sabado, holiday, o non-working day.

Sakop nito ang lahat ng full-time teachers, kasama na ang nasa ALS program, sa lahat ng klaseng appointment โ€” permanent, substitute, o provisional.

Pero klaro ang kondisyon: papayagan lang ang overtime kung talagang kailangan, gaya ng kapag apektado ang pagkatuto ng bata o operasyon ng eskuwela.

Pagmamalaki pa ni Romualdez, na matatawaran ang papel ng mga guro na mas mahaba pa ang oras nila sa trabaho para lang mailabas ang talino at talento ng mga estudyante.

Dagdag pa niya, ipinapakita ng administrasyong Marcos na nakikinig ito sa hinaing ng mga guro at agad kumikilos para tugunan ang mga ito.

Para sa 2026, may P872.887-B budget ang DepEd para tugunan ang learning gaps at palakasin ang hanay ng mga guro sa pamamagitan ng mas patas na sahod, insentibo at benepisyo. | via ABJR, D8TVNews

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *