Rollback sa presyo ng langis, posibleng ipatupad sa susunod na linggo

Magandang balita para sa mga motorista may inaasahang bawas-presyo sa langis sa susunod na linggo matapos ang ilang linggong sunod-sunod na taas-presyo.

Ayon kay Department of Energy–Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, batay sa galaw ng pandaigdigang merkado nitong apat na araw, ito ang posibleng rollback:

• Gasolina: bawas na ₱0.17/litro
• Diesel: bawas na ₱0.54/litro
• Kerosene: bawas na ₱0.47/litro

Paliwanag ng DOE, nakaapekto sa galaw ng presyo ang mga balitang tulad ng pangamba sa oversupply ng langis, pagtaas ng imbentaryo sa US, kasunduan ng Israel at Hamas sa unang yugto ng kapayapaan sa Gaza, at pansamantalang shutdown ng pamahalaan ng Amerika.

Paalala rin ng DOE: tuwing Lunes ina-announce ng mga kumpanya ng langis ang galaw ng presyo, na ipinatutupad tuwing Martes. Nitong Oktubre 7, tumaas pa nga ang presyo ng gasolina ng ₱0.20, diesel ng ₱0.80, at kerosene ng ₱0.20 kada litro kaya siguradong welcome ang rollback na ito. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *