Inaasahang bababa ang presyo ng diesel sa susunod na linggo.
Ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas, maaaring bumaba ng P0.10 kada litro ang diesel, batay sa first four-day average of the Mean of Platts Singapore (MOPS) at foreign exchange movement kumpara average noong nakaraang linggo.
Ang gasolina ay maaari ding tumaas o bumaba ng P0.10 kada litro.
Dagdag pa ni Bellas, sinusubaybayan ng mga product market ang paglambot sa global crude habang ang prospect na kasunduan hinggil sa kapayapaan ng Russia-Ukraine ay nagpapagaan ng mga pangamba sa suplay.
Humina rin ang Asian Benchmark sa gitna ng mga inaasahang mas mabibigat na paglabas ng produkto mula sa China at ang pagbabalik ng ilang refinery mula sa maintenance. | via Ghazi Sarip
