Magtataas ng presyo ng gasolina ngunit magbababa ng presyo ng diesel ang mga kompanya ng langis sa Martes, Oktubre 21.
Ayon sa Shell, Seaoil, Cleanfuel, at Petrogazz nitong Lunes, tataas ng ₱0.10 kada litro ang presyo ng gasolina, habang bababa naman ng ₱0.70 kada litro ang diesel.
Bababaan din ng ₱0.60 kada litro ang presyo ng kerosene.
Noong nakaraang linggo, nagtaas ng ₱0.30 kada litro ang mga kompanya ng langis sa gasolina, habang bumaba ng ₱0.20 kada litro ang presyo ng kerosene.
Walang naging pagbabago sa presyo ng diesel noon. | via Allan Ortega
