Rodrigo Duterte, haharapin ang warrant ng ICC bilang isang abogado

Handang harapin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kanyang war on drugs. Sinabi niyang haharapin niya ito bilang isang abogado at hindi siya tatakas sa ibang bansa.
Pinabulaanan din niya ang balitang nagtungo siya sa Hong Kong upang umiwas sa kaso, iginiit niyang isa lamang siyang bisita roon at kung magtatago man, sa Pilipinas niya ito gagawin. “Diyan mo ako hindi makita,” aniya.
Walang pagsisisi si Duterte sa kanyang mga naging desisyon bilang Pangulo. | via Allan Ortega | Photo via AP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *