Ridon: Discaya couple, bagsak sa Witness Protection Program

Mariing tinutulan ni House Infrastructure Committee (Infracomm) chair Terry Ridon ang posibilidad na gawing state witnesses ang kontrobersyal na mag-asawang kontraktor na sina Curlee at Sarah Discaya sa imbestigasyon kaugnay ng umano’y iregularidad sa flood control projects.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Ridon na bumabagsak ang Discaya couple sa “least guilty” requirement ng Witness Protection Program (WPP). Ani ng mambabatas, kabilang ang mag-asawang Discaya sa pinakamay sala.

Pinayuhan din ni Ridon na sa halip na proteksyon para sa mga Discaya, dapat ng pagtuunan ng pansin ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong plunder, o korapsyon ang mga pinangalanang sangkot sa mga maanomalyang flood control project. Maituturing daw kasi na isang malinaw na ebidensya ang sworn statement ng mag asawang Discaya.

Dapat din daw papanagutin sa batas ang Discaya couple dahil malinaw na inamin ng mga ito ang kanilang partisipasyon sa katiwalian. Sapat na rin ang mga affidavit at testimonya ng mag-asawa para ipawalang-saysay ang kanilang aplikasyon para sa immunity.

Pagtatapos ni Ridon, mas karapat-dapat na gawing state witnesses ang dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineers na sina Brice Hernandez at JP Mendoza dahil staff lang sila ni District Engineer Henry Alcantara kung saan sila ay napag uutusan lang ng kanilang ‘boss’. | via ABJR, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *