Rider, patay matapos madaganan ng poste sa Cadiz City

Biglang kamatayan ang sinapit ng 34-anyos na si Cyrel Batojan matapos madaganan ng bumagsak na poste ng kuryente habang nagmamaneho sa Abelarde Street, Brgy. Zone 4, Cadiz City nitong Martes.

Ayon sa mga otoridad, kalmado lang umanong bumabagtas si Batojan sa kalsada nang walang babala ay bumagsak ang poste—diretso sa kanya! Dinala pa sa ospital pero dead on arrival.

Sabi ng doktor, bugbog ang katawan at punô ng sugat sa iba’t ibang bahagi, ang dahilan ng agarang pagkamatay. | via Lorencris Siarez | Photo Screengrab from Jhason Andro Tome’s Facebook Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *