Inanunsyo ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na itinalaga si Usec. Rico Bernabe bilasng official spokesperson for legal matters ng ahensya.
Ayon kay Dizon, ilalabas sa mga susunod na araw ang pormal na kautusan para sa pagtatalaga kay Bernabe.
Layunin aniya nitong gawing mas malinaw at sentralisado ang mga pahayag ng DPWH, lalo na sa gitna ng mga umiiral na imbestigasyon.
Si Bernabe ang hahawak sa mga isyung may kinalaman sa internal at external probes, kabilang ang mga kaso sa Office of the Ombudsman at iba pang ahensya tulad ng DOJ at Independent Commission for Infrastructure.
Siya rin ay isang abogado at dating opisyal ng NAPOLCOM at Office of the Executive Secretary, at kabilang sa mga ekspertong kinuha ni Dizon noong 2025 bilang bahagi ng reporma sa DPWH. | via Judea Bernardo
