Rice hoarder, price manipulator, aaksyunan ni Sen. Pangilinan

Nanawagan si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa mga ahensya ng gobyerno na magsampa ng kaso laban sa mga rice trader at importer na sangkot sa pagho-hoard ng suplay ng bigas at pagmamanipula ng presyo nito.

Hinikayat niya ang Department of Agriculture (DA), Department of Justice (DOJ), at iba pang government agencies na agarang kumilos at panagutin ang mga mapagsamantalang negosyante.

“Food security is not just about supply. It’s about justice. And justice means protecting our producers from those who exploit them,” ani Pangilinan.

Para kay Pangilinan, ito ay isang hakbang na aniya’y mahalaga upang matiyak ang seguridad ng bigas sa bansa.

“Hoarding, price manipulation, and other abusive practices hurt millions of farmers and Filipino families. It also undermines national efforts to achieve food security. The government must step in,” dagdag pa niya.

Nanawagan din si Pangilinan sa Philippine Competition Commission (PCC) at National Bureau of Investigation (NBI) na tumulong sa pagtukoy at pagpapalakas ng mga kaso laban sa mga sangkot sa profiteering o mga negosyanteng sobrang tumubo sa presyo ng bigas.

Binigyang-halimbawa rin ng Senador ang ang na-amyendang Republic Act 7581 o ang Price Act, at ang Republic Act 12022 o ang Anti-Agricultural Smuggling and Economic Sabotage Act, mga batas na nagpapataw ng mabigat na parusa sa mga kasong may kinalaman sa economic sabotage ng mahahalagang produkto, kabilang ang mga produktong agrikultural. | via Clarence Concepcion | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *