Maaaring tumagal ng anim na buwan ang retrieval operation sa ilalim ng Taal Lake para mahanap ang lahat umano ng labi ng mga nawawalang sabungero, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
“Mahaba pa ito. Baka anim na buwan pa to maghahanap ng labi sa loob ng lawa kasi maraming namatay dito. Hindi naman biro ang paghahanap natin ng remains ng tao sa isang malaking,” aniya.
Matapos ang apat na araw na paghahanap sa mga umano’y tinaponv bangkay ng mga nawawalang sabungero, limang sako na ang nakukuha ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa Taal Lake na naglalaman umano ng mga labi ng tao at hayop.
Ayon pa kay Remulla, nakatakdang magbigay ng DNA samples ang mga kaanak ng biktima upang makalinlan kung ang mga labi bang nakukuha ay mga bangkay ng missing sabungeros.
Nilinaw naman ni Remulla na hindi kailangan hintayin ang anim na buwan na panahon paghahanap sa lahat ng labi ng mga missing sabungero bago maaring magsampa ng kaso ang mga kaanak ng biktima.
“Malapit na tayong magsampa. We have enough evidence to file the face pero syempre, we want to make sure na talagang saradong-sarado ‘yung kaso,” pahayag nito. | via Clarence Concepcion | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV