Retiradong heneral ng militar, arestado sa NAIA

Inaresto ngayong Lunes sa Ninoy Aquino International Airport si retired Major General Romeo Poquiz kaugnay ng kasong inciting to sedition na inihain ng Department of Justice.

Nag-ugat ang reklamo sa mga pahayag at social media posts ni Poquiz, isang dating heneral ng Philippine Air Force, na kumokondena sa umano’y korapsyon sa gobyerno, partikular sa mga anomalya sa flood control projects.

Ayon kay Poquiz at sa kanyang grupo, may pananagutan din si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nasabing isyu sa ilalim ng prinsipyo ng command responsibility.

Nauna nang iniulat ng Partido Demokratiko Pilipino ang planong pag-aresto kay Poquiz, na kilala bilang matapang na kritiko ng administrasyong Marcos at tagapagtatag ng United People’s Initiative, isang samahan ng mga retiradong opisyal ng militar.

Noong Nobyembre, nagsagawa ang grupo ni Poquiz ng protesta sa People Power Monument sa EDSA upang kondenahin ang umano’y scam sa mga proyekto ng flood control. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *