Resignation ni Magalong, fake news

Pinabulaanan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga kumakalat na ulat kaugnay sa pagbibitaw umano niya sa pwesto bilang alkalde ng lungsod.

Kasunod ito ng anunsyo sa pagkakatalaga sa kanya bilang special adviser at imbestigador sa binuong Independent Commission for Infrastructure.

May ilan din kasing mga grupo ang nanghikayat kay Magalong na magbitiw na lamang sa pwesto para matutukan ang isasagawa nilang imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects sa nakaraang 10 taon.

Samantala, tiniyak naman ni Magalong na hindi makaaapekto ang kanyang bagong trabaho at mananatiling prayoridad ang paglilingkod sa Baguio. | via Alegria Galimba, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *