Reps. Erice at De Lima, naghain ng petisyon laban sa unprogrammed appropriations sa 2026 budget

Naghain ng petisyon sina Caloocan Rep. Edgar Erice at ML Party-list Rep. Leila de Lima sa Korte Suprema ngayong araw hinggil sa unprogrammed funds.

Kinuwestiyon ng dalawang mambabatas ang legalidad ng unprogrammed appropriations o UA sa 2026 national budget.

Ayon sa kanila, hindi sapat ang pag-veto ni Pangulong Bongbong Marcos sa P92.5 bilyong halaga ng UA sa pondo.

Bukod sa nai-veto, mayroon pa rin umanong naiwang P150.9 billion.

Ito umano ang maaaring magbigay-daan para magastos ang pondo ng bayan nang walang malinaw na pinanggagalingan.

Humiling din ng temporary restraining order sina Erice at De Lima para sa pansamantalang pagpapatigil sa paggastos ng unprogrammed funds. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *