Hindi pa umano kailangang ilikas ang mga Pilipinong apektado ngayon ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Thailand at Cambodia.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac, karamihan sa mga Pilipinong naiipit sa labanan sa border ng dalawang bansa ay mga legal na empleyado roon.
Hindi umano mga trafficking victims ang mga ito kundi mga guro at faculty supervisors na maaaring bumalik sa kanilang trabaho kapag humupa na ang tensiyon.
251 Pilipino ang tinutulungan ngayon ng embahada, habang halos 200 ang natulungan na sa conflict area.
Muling sumiklab ang labanan sa lugar noong December 9 kung saan 10 sundalo at sibilyan ang napatay.
Higit 140,000 pa ang lumikas para umiwas sa kaguluhan. | via Allan Ortega
