Rep. Leviste, naglabas ng summary ng 2023-2026 allocation

Isang panibagong set ng mga dokumentong umano’y hawak noon ng yumaong DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral ang isinapubliko ni Batangas Rep. Leandro Legarda Leviste.

Ayon sa mambabatas, ito ay summary ng budget allocation ng DPWH kada distrito, probinsya at rehiyon mula 2023 hanggang 2026, na umaabot sa tinatayang ₱3.5 trilyon.

Batay sa inilabas na datos, Central Luzon ang may pinakamalaking pondo na ₱406.9 bilyon, sinundan ng Calabarzon (₱341.8 bilyon) at Bicol Region (₱272.3 bilyon).

Kasunod naman ang NCR, Eastern Visayas, Northern Mindanao at iba pang rehiyon, habang BARMM ang may pinakamababang alokasyon na ₱28.48 bilyon.

Mayroon ding ₱213.8 bilyon na unprogrammed appropriations mula 2023 hanggang 2024.

Iginiit ni Leviste na ang mga numerong ito ay mula sa House General Appropriations Bill o GAB kaya maaari pang magbago depende sa bicameral conference committee.

Aniya, ang datos ay para lamang sa capital outlays ng local projects at hindi kabilang ang suweldo, maintenance at foreign-assisted projects.

Hinikayat din niya si DPWH Secretary Vince Dizon na kumpirmahin ang inilabas na listahan bilang bahagi ng pagsusulong ng transparency.

Samantala, patuloy ang kontrobersiya sa mga dokumentong iniugnay kay Cabral na umano’y mahalaga sa imbestigasyon ng katiwalian sa imprastraktura. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *